“Kuya…” mabilis na hinila ni Jenesis ang braso niya para makabangon mula sa posisyong iyon, pero mas hinigpitan pa ni Raoul ang hawak, parang ayaw pa niyang pakawalan ang sandali.“Stay like this for a while,” bulong ni Raoul, paos pa ang boses, halatang kakagising lang.“Hindi, Kuya,” mabilis na umiling si Jenesis, halatang kinakabahan. Ayaw niyang may makakita sa kanila, lalo na kung biglang pumasok si Jude at makita ang ganoong kalapit na ayos nila.“Kailangan na nating pumunta sa hotel, before the event starts,” dagdag pa niya habang pilit kumakawala, pero hindi talaga siya pinakawalan ni Raoul.“I actually like this position,” sabi ng lalaki, kalmado, may bahid ng ngiti sa labi, isang ngiting delikado dahil lalo siyang nagiging kaakit-akit.“Kuya…” mahina ang boses ni Jenesis, parang nakikiusap.Ngumiti lang si Raoul, saka siya tuluyang pinakawalan. Mabilis na tumayo si Jenesis.Kumurap si Raoul nang dahan-dahan, parang inaayos ang sarili at iniintindi kung nasaan siya. Tum
Read more