“Ma, dito po,” sabi ni Caizer habang hinihila ang upuan para kay Salome.Sa hapag-kainan, tatlong upuan ang bakante, kina Raoul, Duke, at Jenesis. Napansin iyon ni Salome kaya agad siyang nagtanong.“Nasaan sila?” tanong niya, palipat-lipat ang tingin kina Yngrid, Iris, at Caizer.“Si Kuya Duke po may lakad tonight, Ma. Bigla raw out of town,” sagot ni Iris.Lumipat ang tingin ni Salome kay Yngrid.“Si Kuya Raoul po, may overtime,” maikling sagot nito.At huli, kay Caizer.“Si Jenesis rin po, Mama. Kasama ni Kuya Raoul. May bagong client daw from abroad, dumating kanina. Nagdi-dinner meeting sila sa labas.”Hindi na nagtanong si Salome. Tahimik na siyang nagsimulang kumain.Sumunod ang lahat, dahil bawal mauna sa matanda. Maliban na lang kung si Raoul ang mauuna.*Sa kabilang banda, sa isang mamahaling restaurant sa gitna ng siyudad, katatapos lang mag-dinner nina Raoul at Jenesis kasama ang kanilang kliyente.Nasa isang private room sila, ni-reserve ni Argus para maayos a
Read more