Matapos ang almusal na nagtapos sa mabigat at tensyonadong atmosphere, lumipat si Jenesis sa kusina para hugasan ang pinagkainan ng buong pamilya.Mariin niyang pinipisil ang sponge laban sa plato, halos sobra na ang diin, parang gusto niyang kuskusin hindi lang ang dumi, kundi pati ang mga salitang narinig niya mula sa biyenan niya.Unti-unting tumulo ang mga luha niya, humahalo sa bula ng sabon. Mahina siyang humihikbi, nanginginig ang balikat habang naiisip ang ultimatum na ibinigay sa kanya, tatlong buwan para mabuntis.Bigla, may marahang kamay na dumampi sa likod niya.Napaatras si Jenesis at dali-daling pinunasan ang luha gamit ang braso niya.“Ma'am Jenesis…” malambing at puno ng awa ang boses ni Manang Risa, ang matagal nang kasambahay ng pamilya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang braso ni Jenesis.“Tama na, Ma'am. Don’t cry… masyadong mahal ang luha mo para sa mga salitang binitawan nila, kahit pa si Madam Salome,” bulong ni Manang Risa habang marahang kinukuha ang plato
Leer más