“Good morning, Ma'am,” magiliw na bati ni Manang Risa habang nakangiti gaya ng dati.“Maraming salamat, Manang,” nakangiting sagot ni Jenesis.Bahagyang tumango si Manang Risa.Akma na sana siyang magsasalita nang marinig ang mabibigat ngunit kalmadong yabag na papalapit sa dining area.Si Raoul.Maayos na ang bihis nito. Nakasuot siya ng malinis na puting polo at itim na slacks.Pagpasok pa lang niya, ramdam na agad ang matikas at awtoridad niyang presensya.“Mauna na po ako, Ma'am,” magalang na bulong ni Manang Risa bago tahimik na umalis at iwan silang dalawa.Napangiti si Jenesis habang pinagmamasdan si Raoul.“Good morning, love,” malumanay na bati ni Raoul.Bahagya siyang yumuko at marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ni Jenesis, sobrang maingat na para bang baka mabasag ito.“Good morning din, Kuya.”Hinila ni Raoul ang upuan at umupo sa tabi niya.“Have you already finished your milk?” halos automatic niyang tanong, puno ng pag-aalala.“Oo, Kuya. Nainom ko na.”“
Leer más