“Duke, nasaan ka na?” narinig ni Duke ang boses ni Iris mula sa kabilang linya habang nagmamaneho siya at binabagtas ang kalsada sa gitna ng gabi.“Nasa biyahe ako,” maikling sagot ni Duke habang nakatutok ang tingin sa daan.“Uuwi ka na ba?”Bahagya siyang umiling kahit alam niyang hindi naman iyon nakikita ng kanyang asawa. “Hindi. Papunta ako sa lugar nina Kuya Raoul at Caizer.”Agad na kumunot ang noo ni Iris sa kabilang linya. “What's happening, Duke? Ano na naman ang nangyari?”Mabigat na bumuntong-hininga si Duke bago sumagot. “Isinama ni Caizer ang mga anak ni Kuya Raoul nang walang pahintulot. Mula umaga hanggang hapon, hindi sila makontak.”“What?” Mahina na ang boses ni Iris dahil sa gulat. “So, nasaan na ngayon ang mga bata?”“Hindi ko pa alam kung nasaan sila ngayon,” tapat na sagot ni Duke. “Kakabalita lang sa akin ni Mama tungkol dito.”“Oh, my God…”“Susubukan ko munang tawagan si Kuya Raoul o si Jenesis,” kalmado niyang pagpapatuloy kahit halatang naninigas na
اقرأ المزيد