“Kuya, saan ka pupunta?” tanong ni Jenesis nang makitang inaayos ni Raoul ang pagkakakabit ng mga butones ng polo niya. Maayos na ang bihis nito, halatang may pupuntahan.Lumingon si Raoul at bahagyang ngumiti bago sumagot.“I'll be out for a while. May aasikasuhin lang ako. Before I head back, may gusto ka bang ipabili?”“Hmm...” mahinang bulong ni Jenesis habang nag-iisip. “Dimsum noodles, pwede?”“Of course. Bibilhan kita,” sagot ni Raoul habang lumalapit sa kanya. Marahan niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ni Jenesis.“Sandali lang ako. Hintayin mo akong makauwi para sabay tayong mag-dinner.”“Hmm, sure,” mabilis na tumango si Jenesis.“Sige, alis na ako.”“Ingat ka, Kuya,” sabi ni Jenesis habang kumakaway.***Wala pang labinlimang minuto ang biyahe mula sa penthouse papunta sa mansion ng pamilya Rodriguez.Pagkababa ni Raoul sa sasakyan at pag-apak niya sa terasa ng mansion, agad niyang naramdaman ang pamilyar na bigat sa dibdib.Hindi na niya tinitingnan ang malaking
Read More