Saglit na nilingon ni Duke si Iris bago muling ibinaling ang tingin sa daan. “Baby?” ulit niya nang mahina.“Opo,” matatag na tango ni Bernice. “Tulad nina Rayan, Riven, at Rheana. Gusto rin nilang magkaroon ulit ng baby brother or sister. Gusto rin ni Bernice. Para hindi malungkot at tahimik sa bagong bahay po.”Bahagyang ngumiti si Iris, kahit may kung anong kumirot sa puso niya. “Pero kapag may baby na, kailangan mong mag-share ng mga laruan mo, ha. You have to learn how to share with your little brother or sister.”“Okay lang kay Bernice,” mabilis niyang sagot. “Gusto ni Bernice maging good sister.”Napangiti si Duke habang bahagyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa manibela.Samantala, dahan-dahang lumunok si Iris. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ng anak.Kung mabubuntis nga siya ngayon, kailangan ba nilang sumailalim ulit sa IVF tulad ng dati? O baka sa pagkakataong ito, bigyan sila ng Diyos ng chance na magkaroon ng anak sa mas simpleng paraan?Paulit-u
Baca selengkapnya