“Oo. Date na lang ng kasal ang kailangan nilang pag-usapan, Love,” ulit ni Raoul nang casual.Agad siyang tinitigan ni Jenesis nang nanlalaki ang mga mata.“Ang bilis naman, Mahal?” medyo gulat niyang sabi. “Gaano na ba sila katagal nagkakausap at nagkakapalagayan? O ako lang yung feeling na sobrang bilis kasi hindi naman ako kasama sa process nila?”Napatawa nang mahina si Raoul nang makita ang reaksyon ng asawa.“More or less one month,” kalmado niyang sagot. “At tama ka. Dahil hindi ikaw ang dumaan sa process nila, parang ang bilis para sa 'yo.”Mukhang nag-iisip pa rin si Jenesis. Muling tumingin si Raoul sa kanya. “Hindi pa naman nag-asawa si Karina dati, tama?”“Hindi pa, mahal,” sagot ni Jenesis.Bahagyang tumango si Raoul.“Concern din siya na kapag masyado nilang pinatagal, baka mahirapan na siyang magkaanak. And based on what Caizer told me, gusto rin ni Mama na maayos agad ang kasal nila.”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.“Besides, pareho naman silang read
Leer más