“Buntis ulit si Jenesis, Ate. Kapag lalaki ang anak niya, mas may karapatan siyang tumanggap ng inheritance kaysa kay Riven,” sabi ni Anita sa kanyang ate na si Salome nang bumisita siya roon noong umaga.Napabuntong-hininga nang mahaba si Salome habang nakaupo sa family room.“Sino man iyon, basta anak ni Raoul, may karapatan pa rin siya sa inheritance,” kalmado niyang sagot.Marahang umiling si Anita.“Hindi ganoon ang clan natin, Ate. Kaya magdasal na lang tayo na lalaki ang maging anak niya,” kaswal niyang sabi. “Hindi naman sa ayaw ko kay Riven o sa dalawa pa niyang kambal. We’re just talking about rights.”Sandaling tiningnan ni Salome ang kanyang kapatid.“Kung babae naman, that’s fine too,” malamig niyang sagot. “Sa totoo lang, lalaki man o babae, pareho lang naman.”Marahang tumango si Anita bago mas matagal na tinitigan ang kanyang ate.“Hindi mo pa rin ba gusto si Jenesis?” tanong niya sa wakas. “Tatlong apo na nga ang binigay niya sa 'yo, at baka madagdagan pa ngayo
Read more