Pagbalik ni Ivory sa loob ng kuwarto ay sakto ring tumunog ang cellphone niya. May chat siya galing kay Chesca.Chesca: May balak ka pang ituloy ang annulment o pinatatagal mo lang dahil gusto mo akong inisin.Siya: Hindi ako ang nagpatagal kundi ang lover boy mo. Bakit hindi mo siya kausapin at kumbinsihin? Pumasok ang tawag ni Rex at agad niya itong sinagot. "May update ba?" tanong niya sa lalaki."Mam, talagang decided ka nang tumakas? Alam mo kasi, isang buhay lang ang mayroon ako." "Ngayon pa ba babahag iyang buntot mo?" "Magre-resign na ako sa trabaho, Mam. May pera naman na ako. Magbabagong buhay na ako, hindi ko na kaya itong pinagagawa mo sa akin. Kapag nalaman ng asawa mo, tiyak ihahagis niya ako papuntang impeyerno." "Dadagdagan ko ng 500k ang bayad sa iyo." Ilang saglit na hindi umiimik si Rex. "Sige na nga, pinagmukha mo talaga akong pera, ah!""Mukha ka naman talagang pera," biro ni Ivory. "Basta, ihanda mo ang materials at hanapin mo si Lucille. Siya na ang bahala
閱讀更多