ELENA POVBinalot ng tuluy-tuloy na ambon ang buong gabi, kaya paggising ko kinaumagahan, medyo malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa balkonahe ng kwarto ko. Huwebes na. Ilang araw na lang, Martes na—ang araw ng press conference. Habang papalapit ang petsa, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, hindi lang dahil sa pressure ng plano kundi dahil na rin sa baby ko. Limang buwan na ang tiyan ko, at tuwing umaga, ramdam ko ang mahihinang pitik sa loob.Sinuot ko ang isang maluwag na black knitted dress at pinatungan ko ng mahabang gray cardigan bago dahan-dahang bumaba sa kusina. Nadatnan ko si Aling Maria na naghahanda ng almusal—may sinangag, itlog, at mainit na tsokolate."Good morning, Ma'am Alana. Kamusta po ang gising niyo? Masakit pa rin po ba ang balakang niyo?" magalang na tanong ni Aling Maria habang inilalapag ang tasa sa lamesa."Medyo okay naman na, Aling Maria. Salamat," sagot ko habang nauupo. "Nasa study area na ba si Alexander?""Naku, maagang umalis si Sir Alexand
Read more