PAGDATING sa tapat ng opisina ni Cassian ay kumatok muna siya sa tinted na salaming pinto bago tuluyang pumasok. Naabutan niya itong tutok na tutok sa laptop subalit nang makita siya ay itinigil nito ang ginagawa."Come in, Kaia. Please have a seat," matamis ang pagkakangiting sabi pa nito at saka iminuwestra ang swivel chair na katapat ng desk nito."Good afternoon, Sir Cassian," bati naman ni Kaia, at bagaman naiilang sa tagpong iyon ay sinunod niya ito. Naupo siya sa harap nito at kiming ngumiti sa lalaki. "I'm glad you're doing well, Sir Cassian," sabi pa niya na ikinangiti naman nang malapad ng lalaki."Of course. You took care of me, didn't you?" wika naman ni Cassian habang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi. Hindi naman nakasagot si Kaia, sa halip ay ngumiti na lang siya nang pilit habang pinakakalma ang sarili. Natatakot kasi siya sa maaaring sabihin ni Cassian kaya hindi siya makatingin dito."Anyway, kaya kita ipinatawag dahil may offer ako sa'yo, Kaia," mayamaya'y wika ni
続きを読む