"ALING NATHY, kumusta ang chemotherapy ni Jacob, okay ba?" tanong ni Alyanna nang makita niya ang mag-ina sa hallway ng hospital. Nagkataong breaktime niya nang mga oras na iyon kaya heto siya at may bitbit na kape at papunta sa kanyang station. "Ikaw pala, Nurse Alyanna!" masayang bati naman ni Aling Nathy. Si Jacob naman ay tahimik lang sa isang tabi. "Salamat sa Diyos at maayos naman daw sabi ni Doc Macaraig. Tuloy-tuloy lang daw ang therapy at tiyak na tuluyan nang gagaling itong si Jacob." "That's good, Aling Nathy," natutuwa namang sambit ni Alyanna saka nilapitan si Jacob. "Magpagaling ka, Jacob, okay? Dahil malapit ka nang mag-school," saad pa niya sa batang paslit at saka dinukot ang bulsa niyang may lamang chocolate bar na binili niya kanina sa canteen. Kakainin sana niya iyon mamaya subalit ibinigay na lang niya ito kay Jacob. "Salamat po, Nurse Alyanna," nakangiti namang wika ni Jacob. "Walang anuman," ani Alyanna at saka marahang hinaplos sa buhok ang paslit. "Ay, si
Read more