SAMANTALANG sa kabilang bahagi ng siyudad, sa gitna ng nagtataasang gusali ng business district sa Makati, tahimik na nakatayo ang pinakamalaking headquarters ng C&C Group of Companies. Isang dambuhalang glass tower na tila sumasayad sa ulap.At sa pinaka-itaas na palapag ng gusaling iyon...Naroon ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat ng empleyado ng kumpanya—si Caelum Delacroix, thirty-two years old, at chairman ng C&C Group—ang kumpanyang nagmamay-ari ng pinakamalaking chain of luxury hotels and resorts sa buong Pilipinas. Mula Luzon hanggang Mindanao, halos lahat ng kilalang five-star resort at private island hotel ay konektado sa pangalang Delacroix.At kahit bihira magpakita sa media, nananatili pa rin si Caelum bilang isa sa pinakabatang billionaire chairman sa bansa. Hindi lamang dahil sa yaman at impluwensiya nito, kundi dahil sa mukha nitong tila inukit para maging sentro ng atensyon. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at matalim ang panga.Ngunit higit sa lahat, ang
آخر تحديث : 2026-05-20 اقرأ المزيد