MALAKI ang opisina ni Cassian na nababalutan ng soundproof na salamin, at ang desk naman ni Kaia ay nasa labas niyon kung saan mula sa kinaroroonan ay matatanaw mo ang CEO desk.Mabilis na tumango naman si Kaia sa kaharap."Okay, Ms. Mimi. I will do my best," nakangiting sagot pa niya rito."Good to hear that," sagot naman ng may edad na babae. "By the way, mauuna na ako. I have something to attend to in the HR Department," paalam pa nito at saka tumalikod na at nagtuloy-tuloy palabas ng opisina.Naiwan naman siyang inililibot ang tingin sa kabuuan ng opisina at wala sa loob na napangiti dahil sa bagong pasimula.Nag-umpisang magsalansan ng mga folder si Kaia sa maliit na cabinet sa kanyang tabi. Ayon kay Ms. Mimi, mahahalagang dokumento ng kompanya ang nakapaloob doon—mga pangalan ng importanteng kliyente, talaan ng budget ng kompanya, project proposals, at iba pa. Lahat iyon ay isinalansan niya ayon sa pagkakasunod-sunod.Ang sumunod na ginawa ni Kaia ay i-on ang company laptop at g
続きを読む