IRIS POVBumababa ang executive elevator, at sa bawat palapag na itinatalatag ng digital monitor sa itaas ng pinto, nararamdaman ko ang unti-unting pagbabalik ng normal na tibok ng puso ko. Wala na ang mabigat na hininga, wala na ang takot na baka sa susunod na sandali ay hilahin ako pabalik sa impiyernong binuo ni Tita Marissa. Tumingin ako sa repleksyon namin sa makintab na dingding ng elevator. Katabi ko si Razael na seryoso pa ring nakatingin sa unahan, ngunit mas relaks na ang kanyang tindig ngayon kumpara kanina sa boardroom."Ayos ka lang?" basag ni Razael sa katahimikan habang hindi tumitingin sa akin."Oo. Medyo nagulat lang ako sa kinalabasan," sagot ko habang dahan-dahang hinahawakan ang sarili kong mga braso. "Akala ko talaga magkakaroon pa ng mahabang sigawan o physical na sakitan doon sa loob.""I don't waste time on theatricals, Iris," maikli niyang tugon sabay sulyap sa akin. "Kapag hawak mo ang ebidensya, iharap mo agad. Mas mabilis, mas malinis. Ang mga taong tulad n
Magbasa pa