IRIS POVSabado ng umaga, at hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa mga naiisip ko mula pa kagabi. Nakahiga pa rin ako nang tumunog ang mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko, nakita ko si Ricardo na may dalang tray ng kape at pandesal, kasunod ang isang maliit na envelope."Magandang umaga, Iris," bati ni Ricardo habang inilalapag ang tray sa maliit na mesa malapit sa bintana. "Pinabibigay po ni Sir Damian. Galing daw po iyan sa opisina ni Atty. Santos kaninang madaling araw.""Salamat po, Kuya Ricardo," sagot ko habang lumalapit at kinukuha ang envelope.Pag-alis ni Ricardo, binuksan ko agad ang sobre. Isang kopya ng liham na ipinadala ni Atty. Santos sa registrar at sa IT office ng unibersidad ang laman niyon, kalakip ang ilang tanong tungkol sa naging status ng account ko dalawang taon na ang nakalipas.Sana makuha agad 'yung logs. Para kahit papaano, malinaw na kung may gumalaw talaga sa record ko.Pagbaba ko sa dining area, nakaupo na si Damian sa dulo ng mesa, naka
Read more