Denise POV Hindi ko na matiis ang nakikita ko. Habang si Shanaia ay pilit na nagpapakapagod sa bagong temporary studio namin para lang isalba ang Velvet Frames, si Jeriel naman ay balita kong nagpapakalunod sa lungkot sa penthouse niya. Kinuha ko ang aking designer bag at diretso akong nag-drive papunta sa Severin Towers. Walang makakapigil sa akin ngayon, kahit ang security detail ni Captain Kim. Pagkabukas ng private elevator, pumasok ako sa penthouse at bumadya sa akin ang amoy ng alak at lumang kape. Nakita ko si Jeriel na nakaupo sa sahig, nakasandal sa couch, magulo ang buhok, at suot pa rin ang t-shirt niya noong nakaraang araw. "Look at you, Jeriel. You look like a total loser," bungad ko, inilapag ko ang bag ko sa lamesa nang malakas para magising siya sa katotohanan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang tingin. "Denise? Anong ginagawa mo rito? Kung andito ka para saktan ako, please, huwag ngayon. I don't have the energy." "Oh, talaga ba? Wala kang energy habang
อ่านเพิ่มเติม