Naging usap-usapan sa buong bansa ang biglaang pagpapatawag ko ng joint press conference kasama ang regional cybercrime unit sa main hall ng Severin Towers. Punong-puno ang venue ng mga reporters mula sa iba't ibang network. Kasama ko si Shanaia na nakaupo sa aking tabi, suot ang kaniyang eleganteng corporate attire, habang nakatayo naman sa gilid sina Roman, Kim, at Rhamesis bilang suporta. "Good morning, everyone," panimula ko sa microphone, seryoso at walang emosyon ang aking mukha. "Today, we are officially revealing the source behind the deepfake video and the wardrobe sabotage during the Manila Fashion Week." Nag-flash sa malaking screen sa likod namin ang mga financial transactions, kasama ang IP addresses na nag-uugnay sa mga accounts ni Cassandra Fuentes sa bansa at sa New York. Kitang-kita rin ang pagpasok ng pulisya sa kumpanya nila upang ihain ang warrant of arrest. Eksaktong sa sandaling iyon, bumukas ang pinto sa likod ng hall. Pumasok si Cassandra, escorte ng dalawan
Read more