Pagkabukas pa lamang ng pinto ng opisina, agad na namutla ang mukha ko.Hindi dahil sa inaasahan kong makikita si Mason na nakasuot ng pormal na damit, kundi dahil sa mga taong nasa likuran niya.'What the hell?'Napatitig ako sa kanila, isa-isa, habang pilit pinoproseso ng utak ko ang nakikita ko.Mga naka-shorts.Lahat sila.Ang mga babae ay nakasuot ng maiikling shorts na sinamahan ng mga crop top, sleeveless, at maluluwag na summer blouse. Ang ilan ay may suot pang malalaking sunglasses na nakapatong sa kanilang ulo. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng beach shorts, printed shirts, at ilang Hawaiian polo na para bang direktang nanggaling sa isang beach party.May kani-kaniya silang dalang malalaking bag. Ang iba ay may backpack, samantalang ang ilan ay may tote bag na tila puno ng mga gamit. Maging ang mga suot nilang beach sandals ay mukhang bago pa lamang. Halatang pinaghandaan nila ang kanilang kasuotan.Hindi sila mukhang mga taong dadalo sa isang kasal.Para silang mga taong
Read more