Pagkatapos, napatawa ako nang malakas.Hindi ko napigilan ang sarili ko nang mabasa ang huling linya. Ang dami nilang puwedeng sabihin tungkol kay Layla, ngunit iyon talaga ang naisip ni Nyx?Muling nag-vibrate ang cellphone ko. May bagong mensahe mula kay Dexie.[Dexie: Lilith... huwag mo akong pagtawanan, pero minsan talaga, parang hindi naliligo nang maayos si Layla.][Nyx: (Sumingit sa kabilang chat) Hindi lang minsan. Minsan nga, kahit malayo siya, parang naaamoy mo na.][Dexie: HAHAHAHAHA!][Nyx: Huwag kang maingay. Baka marinig ka.][Dexie: At least hindi ako ganoon. Hindi rin naman ako nag-aastang sosyal kahit hindi ko kaya.][Nyx: Huwag mong sabihin iyan. Pareho lang naman tayong napagod sa paglilinis.][Dexie: Oo, pero hindi ako nagrereklamo na parang pinatay na ang buong pagkatao ko.][Nyx: Hahaha! Gusto ko na talagang matapos ang kondisyong ito.]Muli akong napatawa.Hindi ko namalayang napalakas na pala ang tawa ko. Napatingin ako sa pinto nang marinig ang mahinang katok.
Read more