Isang linggo ang lumipas mula nang mangyari ang komprontasyon kay Celestine.Sa loob ng pitong araw na iyon, naging abala ako sa pag-aayos ng mga operasyon sa Estrella Estate. Halos araw-araw akong nasa main building upang tingnan ang mga ulat, makipagpulong sa mga supervisor, at tiyaking naipatutupad ang mga bagong patakaran na ipinagawa ni Lolo Enrico.Hindi naging madali ang lahat. May mga tauhang sanay na sa dating sistema, at may ilan ding natatakot magsalita dahil sa mga taong matagal nang gumagamit ng kanilang posisyon upang manakot. Ngunit unti-unti, nagsisimula nang magbago ang kanilang pakikitungo sa isa't isa—mas naging maayos ang mga ulat, mas naging bukas ang mga empleyado sa pagsusumite ng reklamo, at higit sa lahat, hindi na basta-basta nakapaglulusot ang mga taong may koneksiyon sa pamilya.Nasa opisina ako nang umagang iyon, nagbabasa ng mga dokumentong ipinasa ni Alexander, nang bigla itong pumasok na may dalang dalawang folder.“Good morning, cousin!”Hindi ako tumi
Read more