Pagkasakay nila sa taxi, agad na napalingon si Vera sa anak. “Anak, okay ka lang ba talaga?” mahinahong tanong niya habang dahan-dahan niyang kinukuha ang cellphone mula sa kanyang bag. “Opo, Mommy. Okay lang po ako. Ang mahalaga po, lumabas ang katotohanan at hindi na tayo napagbintangang nanakit kay Hannah.” Saglit na natahimik ang bata bago muling nagsalita. “Mommy, araw-araw na po ba natin silang makikita at makakasama?” Ngumiti si Vera at marahang hinaplos ang buhok ng anak. “Oo, anak. Pero huwag kang matakot. Nandito naman si Mommy at si Daddy Brooklyn para protektahan ka. Kaya huwag kang mag-alala, okay?” Tumango ang bata, ngunit maya-maya ay muling nagtanong. “Pero, Mommy… wala pa po si Daddy ko. Kailan po kaya siya uuwi?” Napahigpit ang hawak ni Vera sa kanyang cellphone at saglit na napayuko bago siya sumagot. Biglang napatingin si Vera sa screen ng kanyang cellphone. “Ay, anak! Tumawag pala si Daddy Brooklyn kanina habang abala tayo. Gusto mo bang tawagan natin s
Magbasa pa