Share

Ang Inosenteng Maid ni Lord Master
Ang Inosenteng Maid ni Lord Master
Author: ExDealers

Sagad 1

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-18 00:55:37

Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.

Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.

Bukod sa wala kaming boses, wala rin kaming karapatan, at madalas, walang pagpipilian.

Bata pa lang ako nang mawala ang mga magulang ko. Ang tita ko lang na kapatid ni nanay ang nagtiyagang bumuhay sa akin, pero tila ayaw talaga sa akin ng tadhana. Pagtuntong ko pa lang ng high school ay agad din siyang kinuha sa akin ng Maykapal. Wala siyang asawa’t anak, at wala rin akong ibang kilalang kamag-anak. Sa madaling salita, mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.

Swerte ko na lang at natanggap ako sa Fleur de Lis Maid Café, ang pinakasikat na café dito sa amin. Pero ang salitang 'swerte' ay may kalakip na dumi. Dito, ang bawat ngiti namin ay may presyo. Sa madaling salita ulit, kailangan namin pakisamahan ang mga master namin para may makuha kaming tip galing sa kanila.

Master ang tawag namin sa mga customer namin. May matanda, medyo bata-bata pa, basta mayamang lalaki, puwedeng pumunta dito sa café. Para lang itong restawran, iyon lang at puro mayayamang lalaki ang customer namin.

"Ika! ‘Yung order sa Table 4, kanina pa naghihintay si Master Domeng!" sigaw ng manager naming si Selya mula sa counter.

"Opo, paparating na!" sagot ko habang mabilis na inaayos ang mga tasa ng kape sa tray.

Nasa bandang kusina ako ngayon, kasalukuyang hinahanda ang order ng regular naming customer na si Domeng. May pagkamainipin ang isang ’to kaya binilisan ko lalo ang mga kilos ko.

“Ito na—" bitbit ang tray, palabas na sana ako ng p***o ng kusina nang matigilan ako.

Ang ingay sa labas. Lagi nang maingay rito, puno ng halakhakan, pero sa pagkakataong ito, kakaiba ang ingay na nagmumula roon.

"Pulis! Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ng manager namin mula doon na nagpakabog ng dibdib ko, dahilan upang mabitawan ko ang tray.

Tumalsik ang dala kong traysa sahig, pero hindi ko na iyon nagawang panghinayangan. Mas lalong lumakas ang ingay. May naririnig na akong nababasag na salamin habang sinasabayan ng mga sigawan.

Sumilip ako nang bahagya sa awang ng p***o at halos manigas ang buong katawan ko sa nakita.

May gulo nga sa labas! May mga de-armas na lalaki na nakapasok. Lahat ng masters namin ay nakadapa na sa sahig sa tindi ng takot, habang ang mga kasamahan kong staff ay nakapusas na ang mga kamay.

Ano ba'ng nangyayari? Mga kidnapper ba ang mga ito?

Purong itim ang kanilang kasuotan. Mula sa tactical gear hanggang sa mga bota nila. Pero ang pinakanakakatakot sa kanila ay ang mga suot nilang maskara. Puting-puti ito na walang emosyon, katulad ng sa Jabbawockeez. Tuloy, nagmistula silang mga demonyo dahil sa dim lights ng café.

"Walang gagalaw!" baritonong sigaw ng isa sa kanila.

Ang manager namin na kaninang sumigaw ay nalingunan kong nanginginig na nakatago sa ilalim ng counter.

"Nasaan ang babae?" tanong ng isa pa sa mga de-armas na mga lalaki. Lumingon-lingon pa siya, tila may hinahanap na target.

Kinabahan ako nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sitwasyon. May parte sa akin na nagsasabi na tumakbo na ako't tumakas, pero saan naman ako dadaan? Ang tanging labasan ay ang p***o sa harap kung nasaan ang mga lalaki.

Dahan-dahan akong umatras upang tumungo sa back exit ng kusina, pero bago pa man ako makalayo sa p***o ay isang malakas na pagsipa ang tumama doon, dahilan upang mapatili ako nang malakas.

Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isa sa kasamahan ng mga lalaki. Dumirekta agad ang mata niya sa akin.

"Found her," deklara niya na hindi tinatanggal sa akin ang tingin.

Bago pa man ako maka-react ay may pumasok ng dalawang kasamahan niya, pagkatapos ay ginapos ang mga kamay ko.

“A-anong… anong gagawin niyo sa'kin? T-tulong!” kinakabahan kong sigaw, sinubukan magpumiglas.

"Patahimikin na ’yan,” utos n'ung lalaking unang pumasok dito kanina.

Mas lalo ako nagpumiglas nang may nilabas na puting panyo ang isa sa nakagapos sa akin, sunod ay tinakip ito sa ilong ko. Pinaghalong matamis at matapang ang pagkakalanghap ko sa amoy ng panyo. Wala pang limang segundo ay naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng tuhod ko, hanggang sa kusa na lang bumigat ang mga talukap ng mata ko.

Nagising ako na may matinding sakit sa ulo. Pilit kong iminulat ang mga mata ko pero mabilis ding napapikit dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko.

Nang luminaw ang paningin ko, napansin kong nasa loob ako ng isang malawak na silid. Mataas ang kisame, may mga antigong gamit, at amoy mamahaling pabango at tabako ang paligid. Nakaupo ako sa isang velvet na sofa, at ang mga kamay ko ay hindi naman nakatali, pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko.

"Gising ka na pala.”

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Doon ko lang din napansin na sa tapat ko ay may malaking bintana kung saan nakatayo ang nakatalikod sa gawi ko na lalaki.

Polong itim ang pang-itaas nito na nakatupi ang manggas hanggang siko, inilalantad ang kanyang maskuladong braso.

"S-sino ka? Nasaan ako?” pilit kong nilakasan ang boses ko kahit nanginginig ako.

Nilagay niya sa parehong bulsa ang mga kamay niya bago niya ako dahan-dahang nilingon. Agad nangunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya.

Para siyang hindi totoo. Ang mukha niya ay tila iginuhit ng isang bihasang pintor—matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga mata niyang kulay abo ay tila binabasa ang bawat hibla ng pagkatao ko. Gwapo.

Teka… ano nga ulit ang nangyari bago ako nawalan ng malay? Ah… ginapos pala ako ng mga kidnapper. Hindi kaya itong lalaking ito ang boss nila? Pero sobrang gwapo naman niya para sa isang kidnapper.

"You're in my territory, Ika," seryosong sagot ng lalaki na ikinabilog ng mga mata't bibig ko.

Ika? Tinawag niya ako sa pangalan ko!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? At b-bakit niyo ako kinidnap?"

Pero imbes na sagutin ako ay nagsimula na lang siyang humakbang palapit sa gawi ko.

"I am Ymilio Eros Remington. And starting today, you work for me."

Napamaang ako. Remington? Isa siyang Remington?!

Mas lalong namilog ang bibig ko sa narinig. Ang Remington ang pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalalawak na hacienda sa probinsyang ito. Sila ang batas dito.

Pero teka… ano nga ulit ang sinabi niya? Magtatrabaho ako sa kaniya?

Umayos ako ng tayo at bahagyang tumikhim para ikalma ang nagsisimula nang manginig na katawan ko dahil sa takot.

"M-mawalang galang po, M-mister… Remington… pero may trabaho na po ako sa cafe."

Niyuko ko agad ang ulo ko nang humakbang na naman siya ulit palapit lalo sa akin.

"That's not a job, that's a playground for old men," aniya. Ang boses niya ay maginoo pakinggan, pero may kung anong talim ang nakatago rito. "I'm offering you a real position. Personal maid. My personal maid.”

Personal maid?

Gusto kong iangat ang tingin sa kaniya para tingnan kung seryoso ba siya sa sinabi. Pero sa takot ko ay nanatili akong nakayuko, ni hindi na maibuka ang bibig at nagsisimula na rin manginig ang katawan ko.

"You will serve me in every way possible," pagpapatuloy niya nang hindi ako nakaimik. “From the kitchen... to the bedroom. Your job is to make sure I am satisfied. Sagad-sagad na kasiyahan. Do you understand?"

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ang mga salita niya ay direktang pambabastos, pero ang paraan ng pagkakasabi niya ay tila isang utos na hindi mo ko puwedeng tanggihan.

"S-sagad-sagad po? Ano pong ibig niyong sabihin?” nanatiling nakayuko ang ulo ko kahit hinawakan na niya ang hibla ng buhok kong humaharang ngayon sa mukha ko. Pagkatapos ay pasimple niya itong inipit sa likod ng tainga ko. Bigla akong kinilabutan.

“Oo, sagad sagad. Simple lang naman ang trabaho mo. Katulong kita sa umaga, para*san naman kita tuwing gabi. Naintindihan mo na?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Etselec Otrop Obesa
cnu author nito
goodnovel comment avatar
Sotchie Alvarez Gonzales
nice,,,tingin q magandang storya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   EPILOGUE

    “Kei, kung mamamatay ako ngayon, ikaw ang sisisihin ko.”“Bakit ako?”“Ikaw ang pumili ng parking.”“Airport ito, Bokuto. Hindi ko kontrolado ang parking.”“Eh bakit parang isang barangay na ang nilibot natin?”Nakatayo ako sa likod nila habang hawak ang phone ko, backpack, at isang paper bag na ipinagkatiwala sa akin ni Bokuto. Hindi ko alam kung ano ang laman. Ang sabi niya, surprise. Sa experience ko sa taong iyon, hindi palaging magandang balita ang salitang iyon.“Can we please act like adults?” singit ko.Sabay silang lumingon. Si Bokuto, nakasimangot. Si Kei, mukhang matagal nang pinagsisisihan ang pagpunta.“Shane,” sabi ni Bokuto, “we are acting like adults.”“Talaga? Kasi ang nakita ko, dalawang lalaking nagtatalo tungkol sa parking slot habang ako ang may dalang gamit.”“Teamwork,” sagot niya.“Exploitation,” sabi ni Kei.Tiningnan ko ang oras sa phone ko. May ilang minuto pa bago ang inaasahang pagdating ng flight ni Nifa. Nag-message na rin ako sa kanya kanina. Landed? an

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   29

    “Shane, may tanong ako.”Hindi pa man ako nakakapaglagay ng bag sa upuan, alam ko nang may kasunod na trabaho ang araw ko.Nasa university library ako, kaharap si Lianne na may hawak na dalawang kopya ng presentation namin. Si Marco naman ay nakaupo sa kabilang side ng mesa, tahimik na nag-aayos ng laptop.“Bakit parang kasalanan ko na agad?” tanong ko.“Hindi naman. Ikaw lang kasi ang marunong magpaliwanag nang hindi kami nagmumukhang walang pinag-aralan.”“Wow. Compliment ba 'yan o dagdag trabaho?”“Pareho.”Napabuntong-hininga ako at hinila ang upuan. Ilang araw na naming inaayos ang presentation, at sa puntong ito, kabisado ko na pati mga typo na hindi pa namin nahahanap.May bagong communication project din akong tinatapos sa labas ng klase. Maayos naman ang takbo, kahit may mga gabing kailangan kong pumili kung alin ang uunahin. Hindi lahat kayang isingit sa iisang araw, kahit gaano kagaling ang taong gumagawa ng checklist.“Hindi ko kaya saluhin lahat ng tanong mamaya,” sabi ko

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   28

    “May problema tayo.”Ibinaba ko ang ballpen ko at tiningnan si Lianne sa screen. “Anong level? Kaya pa bang ayusin habang buhay tayo?”“Shane.”“Okay. Seryoso na.”Nasa university library ako, nakabukas ang laptop at may dalawang dokumentong pinagpapalit-palit sa screen. May kailangan kaming ihanda para sa academic consultation, at kagagaling lang ni Lianne sa message ni Marco tungkol sa bagong schedule.“Hindi siya makakadalo sa rehearsal natin,” sabi niya.“Bakit?”“May family commitment. Nag-message naman siya nang maaga. Nag-send din siya ng updated section.”Binuksan ko ang file na ipinadala ni Marco. Maayos naman ang ginawa niya. May ilang parte lang na kailangan naming i-coordinate para hindi magdoble ang paliwanag sa presentation.“Okay. Hatiin natin ulit. Ako sa opening at discussion, ikaw sa methodology. Si Marco na sa results framework kapag nakabalik siya.”“Agreed.”Tiningnan ko ang oras. Hindi naman malaking problema. Hindi rin kailangang gawing emergency ang isang pagba

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   27

    “Hindi ko gets kung bakit mo pinatay 'yung character mo.”Iyon ang unang puna ni Rhea matapos kong basahin ang maikling kuwento ko.Nasa community writing workshop kami ulit. Pareho ang kuwarto, pareho ang maingay na electric fan, at pareho rin ang monoblock chair na tila may personal na galit sa likod ko.Ang pinagkaiba lang, ngayong araw, hindi na ako reader lang.bAko ang nagbasa. At ngayon, gusto kong bawiin ang huling limang minuto ng buhay ko.“Hindi ko naman pinatay,” bulong ko.“Shane, literal na nahulog siya sa hagdan.”“Accident.”“Sa huling paragraph?”“Creative decision.”Tumingin si Rhea sa akin na parang gusto niyang tumawa at magtanong kung maayos pa ba ang tulog ko.Sa harap, nagsimula nang magbigay ng feedback si Ms. Pilar sa isa pang participant. Nakikinig ako, kahit may bahagi ng utak kong paulit-ulit na binabalikan ang sarili kong kuwento.Hindi naman masama ang pagbasa. Walang nangyaring nakakahiyang aksidente. Hindi ako natigilan sa gitna ng pangungusap. Wala ring

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   26

    “Shane, congratulations. We'd be happy to have you on the team.”Binasa ko ang email nang dalawang beses. Hindi dahil hindi ko maintindihan ang laman. Gusto ko lang tiyaking hindi ko namali ang pagbasa sa salitang confirmed. Tinanggap ko ang project.Pagkatapos kong suriin ang schedule, linawin ang ilang kondisyon, at tingnan kung saan ko puwedeng ilagay ang natitirang academic requirements ko, nagpadala ako ng confirmation noong nakaraang araw.Ngayon, nasa inbox ko na ang opisyal na sagot. May kasamang welcome message, project orientation details, at pangalan ng mga taong makakatrabaho ko.Maayos, malinaw, at nakakakaba.“Ma, ano 'yan?”Napatingin ako sa anak ko. Nakatayo siya sa tabi ng mesa, hawak ang laruan niyang kotse.“Trabaho ni Mama.”“Car?”“Walang car.”“Why?”“Wala silang car sa email, anak.”Hindi siya mukhang kumbinsido. Bumalik siya sa paglalaro habang ako naman ay nagbukas ng calendar. May orientation sa susunod na linggo at may ilang dokumentong kailangan kong basahi

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   25

    “May extra kang yellow pad?”Napatingin ako sa anak ko, na nakatayo sa tabi ng mesa habang yakap ang isang stuffed rabbit.“Para saan?”“Drawing.”“May papel sa drawer.”“Gusto ko yellow.”Tiningnan ko ang natitira kong yellow pad. May ilang pahina na lang iyon, at may nakasulat pang notes sa likod ng isa.“Anak, puwede bang white paper?”“Yellow.”Napatingin ako sa kisame. May mga negosasyong hindi kasama sa master's curriculum.“Okay. Isang page lang.”“Two.”“Isa.”“Two.”“Grabe ka tumawad. Sino nagturo sa iyo?”Ngumiti siya at iniabot sa akin ang rabbit. Kinuha ko ang isang pahina at ibinigay sa kanya. Habang abala siya sa pagguhit sa sahig, bumalik ako sa laptop para tingnan ang natitira kong academic work.May isang reading na hindi ko pa tapos at may comments akong kailangang ayusin sa paper namin. Bukod doon, hinihintay ko pa ang ilang sagot tungkol sa bagong project offer.Hindi pa alas-diyes ng umaga, pakiramdam ko may tatlong bersiyon na ng araw ang gusto kong habulin. At a

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 5

    Medyo natagalan bago ako nakabangon mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang lagkit sa buong katawan ko pero mas nangingibabaw ang hapdi. Pagkaapak pa lang ng paa ko sa sahig ay muntik na akong mabuwal. Literal na nangangatog ang tuhod ko."Ten minutes, Ika. I'm counting," dinig kong sabi ni Ymilio mula

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 4

    “Ang sagwa n'yo po palang makipag-s*x!” ulit ko pa, sunod ay pinapahid ko ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng kamay ko. Lasang-lasa ko pa rin ang lagkit at alat ng likidong iniluwa niya sa loob ng bibig ko."You're making a fuss over a drop of milk? We haven’t even started the real work," he sa

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 3

    Halos hindi ko na malasahan ang steak na nginunguya ko habang siya'y halos patapos na. Para akong kumakain ng papel habang panakaw-nakaw ang tingin sa kaniya. Grabe. Normal na normal na siguro sa kaniya ’yung ganito. ’Yung magha-hire ng gagawing parausan, tapos kapag magsawa ay hahanap na naman ng

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 2

    Halos tumigil ang paghinga ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi man ako nakatingin sa kaniya'y ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin.Parausan tuwing gabi…Hindi ako t*nga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Sa café pa lang ay quotang quota na ako sa ilang pambabastos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status