"No," mariin na saad ni Thaddeus habang nakatingin sa madilim na monitor. Bahagyang gumalaw ang panga niya at halatang pinipigilan niya ang galit na matagal nang naiipon. "This ends now."Walang nagsalita matapos iyon. Maging sina Victoria at Aodhan ay nanatiling tahimik habang pinapanood siya. Sa dami ng beses na nakatakas si Danford, ngayon ko lang nakita si Thaddeus na ganito kaseryoso.Agad siyang bumalik sa Crestwood kasama ang buong team. Pagdating pa lamang namin ay dumiretso na siya sa command room at inutusan ang lahat ng analyst, hackers, at field operatives na mag-report. Sa loob lamang ng ilang minuto ay napuno ng tao ang silid."I want every property, every shell company, every account, and every known associate connected to Danford," malamig niyang utos habang nakatayo sa harap ng malaking screen. "I don't care how old the information is. Dig everything up.""Yes, Boss," sabay-sabay na tugon ng mga tauhan.Tahimik akong nakaupo sa gilid habang pinagmamasdan siya. Hindi s
Read more