Nanatili ang mabigat na katahimikan sa loob ng Crestwood matapos makita ang litrato. Walang nagsasalita habang nakatitig ang lahat sa tablet na nakapatong sa mesa. Ang simpleng mensahe ni Danford ay sapat para sirain ang kaunting kapayapaang nahanap namin matapos mabunyag ang katotohanan. Si Thaddeus ang unang kumilos. Maingat niyang kinuha ang tablet mula sa kamay ko bago ito iniabot sa isa sa kanyang tauhan. "Run facial recognition on everyone in that room," utos niya sa seryosong tono habang diretsong nakatingin sa lalaki. "I want names, backgrounds, affiliations, and recent movements. If they're breathing, I want to know who they are." "Understood, Boss," agad na sagot ng tauhan bago mabilis na umalis. Nang maisara ang elevator, bumaling si Thaddeus kay Aodhan. Hindi na galit ang makikita sa mukha niya gaya kahapon. Mas nakakatakot ito ngayon dahil kalmado na siya. "Tell me everything you know about his remaining safe houses," diretsong sabi niya habang inaayos ang mangg
Read more