"Tanya." Paos ang boses ni Thaddeus mula sa likuran ko. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa railing habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit sa bawat segundo na naririnig ko ang presensya niya sa likod ko, mas lalo lamang bumibigat ang dibdib ko. "Go back to her," mahina kong saad habang nakatalikod pa rin. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. Pagkatapos ay ilang segundong katahimikan ang lumipas. "Tanya, look at me," mariin niyang sabi habang dahan-dahang lumalapit. Napatawa ako nang mapait. Iyong klase ng tawang puno ng sakit. "No," sagot ko habang mabilis na pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Ayoko." Natahimik siya. Pakiramdam ko ay gusto niyang magsalita ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula. At sa totoo lang... Ayoko ring marinig. Dahil natatakot ako sa mga salitang lalabas sa bibig niya. "Bakit ka tumatakbo?" tanong niya matapos ang ilang segundo. Agad akong napalingon. Hindi ko napigilan. Nanlalabo ang mga mata kong tiningnan siya.
Read more