Chapter 106Samantha’s POVPagkagaling ko sa opisina, dumiretso na ako sa bahay. Nakakapagod ang araw na ito. Halos buong araw akong naging abala sa mga gawain, at ang tanging gusto ko na lang ay makapagpahingaIlang araw na rin kaming nasa hospital dahil sa aksidenteng nangyari kay Ezee. Mabuti na lang at unti-unti na siyang gumagaling. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang malaman kong maaari na siyang lumabas bukas. At higit sa lahat, makakabalik na rin kami sa normal naming buhay.Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang pag-aalala ko sa kanya. Bilang isang ina, kahit simpleng pag-ubo o paggalaw lang ng anak ko, agad akong nag-aalala.Pagdating ko sa bahay, tinawagan ko muna si Nanay bago matulog.“Nay, kamusta na po kayo diyan?”“Ayos naman, anak.”“Dumaan pala yung doktor ni Ezee. Puede na raw siya lumabas bukas. At ito pa ang good news. Tinotoo ni Arthur na bayaran ang bill ng hospital. Sabi niya, basta kahit ano raw, para sa apo niya, gagawin niya.”Napanganga ako sa narinig.
Read more