Chapter 97Samantha’s POVPagkatapos ng trabaho, sinundo ako muli ni Bastien, gaya ng lagi niyang ginagawa.Hindi talaga nagbabago ang asawa ko. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho, sisiguraduhin niyang hindi ako mahihirapang umuwi. Minsan nga, naiisip kong baka pati ang paghinga ko ay gusto niyang bantayan. Hindi naman sa nagrereklamo ako. In fact, I secretly love it.Pero bago umuwi, dumaan muna kami sa bahay ni Nanay at Tito Anton para sunduin si Ezee.Ilang linggo na rin naman kasi siyang nanatili roon. At kahit masaya akong may oras silang magkasama ng lola niya, aminado akong nami-miss ko na ang anak ko. Iba pa rin kapag nasa bahay namin siya. Parang may kulang kapag hindi ko naririnig ang boses niya o ang mabibilis niyang yapak sa loob ng bahay.Pagpasok namin sa kanilang bahay, agad kong naamoy ang masarap na pagkain.“Uy, ang bango, Nay ah!”“Pambihira ka rin talagang babae ka, hindi mo man lang ako binati!”Napatawa ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa Nanay kong tampuhin, sak
Read more