Chapter 94Tumango si Pierre at dinukot ang wallet sa bulsa."Bibigyan kita ng dalawampung libo," sabi ni Pierre.Dahil plano niyang bumili ng bahay ngayon, nagdala talaga siya ng isang daang libong piso na cash para sa deposit."Naku, huwag po, sapat na po ang sampung libo," nahihiyang tanggi ng lalaki. Pakiramdam niya ay napakaswerte niya ngayong araw at baka ginagabayan siya ng yumaong ama mula sa langit."Kunin mo na kapag ibinibigay ko," seryosong sabi ni Pierre.Gusto niyang tulungan ang lalaki, pero mas alam niya rin na ang dagger na hawak niya ngayon ay walang katumbas ang halaga. Ang sampung libong piso ay luge pa para sa lalaking ito kung tutuusin.Agad na iniabot ng lalaki ang dagger kay Pierre."Pagpalain po kayo ng Diyos. Mabuti kayong tao, sana po ay humaba pa ang buhay ninyo!" sabi nito habang nanginginig ang kamay.Ngumiti si Pierre bago tinanggap ang dagger."Kunin mo na ang pera at ipagamot mo na ang asawa mo."Isang mahinang hikbi ang pinakawalan ng lalaki habang pu
Read more