Chapter 75Natawa na lang si Pierre nang mahina habang napapailing sa inasal ng lalaki.Noong una silang magkita, akala niya ay seryoso, tahimik, at suplado itong si Peter. Pero ngayon, nakikita niyang wala naman pala itong pinagkaiba sa mga ordinaryong mayayamang kabataan na nakasalamuha niya.Marahil ay mas mataas lang talaga ang estado nito sa lipunan."Pinapunta kita rito ngayon hindi lang para magpasalamat, kundi para humingi na rin ng isa pang pabor," seryosong saad ni Francisco na pumutol sa kulitan ng dalawa.May kinuhang bank card ang matanda mula sa kaniyang bulsa at dahan-dahang ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa, malapit sa tapat ni Pierre."May isang bilyon sa loob ng card na yan. Ang dalawang daang milyon ay para sa paggamot mo sa akin. At para naman sa natitirang halaga, gusto kong tulungan mo akong maghanap pa ng isa pang blood jade. Ang walong daang milyong 'yan ang gagamitin mong pondo," paliwanag ni Francisco habang diretso ang tingin sa kaniya."Nabili mo ang isang
Baca selengkapnya