Subalit hindi ko maipaliwanag kung bakit sa tuwing may lalaking susubok na lumagpas sa linya ng pagiging pormal at masyadong kakausapin o lalapitan si Rose Ann nang may halong pagnanasa... kusa at mabilis na humahakbang ang aking mga paa para pumagitna sa kanila.“Hi, Rose. You look stunning tonight,” sasalubungin siya ng isang matangkad na Italian model sa isang after-party.“Hello, Matteo,” magalang niyang sagot.“Are you free after this event? Can I get your personal number so we can grab a drink?”At bago pa man makasagot nang buo si Rose Ann:“I'm sorry, but she's extremely busy with our schedule tonight,” pormal ngunit malamig kong sasabihin habang tumatayo ako sa mismong tabi ni Rose Ann, nakadikit ang aking balikat sa kaniya, habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng lalaki.Minsan ako ang sumasagot nang diretso.Minsan naman, sapat na iyong simpleng paglapit ko, paghawak sa ibabang bahagi ng kaniyang likod o balikat, at ang pagtitig ko nang seryoso sa lalaki.At kadalasan,
Read more