Kinabukasan, hindi ko kailangang magmadali. Hindi ko kailangang tumawag ng press conference, magpa-interview sa telebisyon, o mag-post ng anumang emosyonal na pahayag sa social media.Sa larangan ng crisis management, ang pilit na pagpapaliwanag habang mataas ang emosyon ng publiko ay parang pagsuong sa bagyo nang walang payong. Mas mabuting hayaang maubos ang ulan bago mo ipakita ang tuyong kalsada.Pumasok ako sa opisina nang eksaktong alas-nuwebe ng umaga. Parang ordinaryong araw lamang ang lahat. Sa paglakad ko sa malawak na lobby papunta sa executive elevator, nadatnan ko ang ilang empleyado at mga junior managers na nag-uusap-usap.“Good morning, Ma'am Rose Ann,” bati ng aming receptionist.“Good morning,” pormal kong sagot habang nananatiling nakatingin nang diretso.“Morning, Ma'am.”Isa-isa kong tinanguan ang mga empleyadong nakasalubong ko. Walang nagbago sa aking posture. Walang bilis sa aking mga hakbang. Walang kahit anong bakas ng kaba, galit, o pagmamadali. Kung may mga
Read more