Tiningnan ko siya muli, at sa pagkakataong ito, pinahintulutan ko ang sarili kong maramdaman ang totoong dahilan.Awa ang pangunahing dahilan.“May breach of contract ka, Mason,” pormal ngunit may halong pait kong simula.Tumahimik siya at napayuko.“Two years pa ang natitira sa kontrata mo sa akin nang pinili mong sumama kay Bernadette at umalis.”“I know...” mahina niyang bulong.“Then alam mo rin kung gaano kalaki ang magiging epekto noon sa iyo kapag idinerekta ko sa korte,” patuloy ko. “Alam mo kung magkano ang penalty clause. Alam mo na kapag pormal kitang kasuhan, mawawalan ka ng lisensya, mabubura ang lahat ng bank accounts mo, at magiging dahilan 'yon para i-blacklist ka ng bawat kilalang brand sa bansang ito.”Tumango siya, hindi makatingin nang diretso sa aking mga mata.“Hindi kita inirekomenda kay Mr. Castillo dahil gusto kitang balikan, Mason,” malinaw kong sabi upang walang anumang maling pag-asa na tumubo sa kaniyang isip.“I know that...”“Hindi rin dahil gusto kong k
Read more