“Hindi mo man lang kayang sabihin sa kaniya na huwag na siyang pumunta rito? Hindi mo man lang kayang ipakita sa akin na ako ang girlfriend mo?”“Jureza,” mahinang sabi ni Jun, “hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'yan.”“Of course! Lagi na lang hindi tamang oras!” sarkastikong sagot niya. “Kapag gusto kong pag-usapan, pagod ka. Kapag tinatanong kita, marami kang ginagawa. Kapag humihingi ako ng sagot, sinasabi mong mamaya na lang. Hanggang kailan, Jun?”Napatitig siya sa mukha nito.“Hanggang kailan mo ako paghihintayin bago mo ayusin ang problemang ikaw rin naman ang gumawa?”Mas lalong tumahimik ang silid.Sa pagkakataong iyon, hindi ko na kailangang manghula kung ano ang tunay na ikinagagalit ni Jureza.Hindi lamang siya nag-aalala kay Jun.Galit siya dahil hindi pa naibibigay ni Jun ang sagot na gusto niya. Galit siya dahil hindi pa naaalis ang presensiya ko sa buhay nito. At higit sa lahat, galit siya dahil hindi pa niya nakukuha ang katiyakang gusto niyang ipagpilit
Magbasa pa