Ngunit hindi siya pinakinggan ng babae.“Look at you! Ang putla-putla mo! Ano'ng ginawa nila sa'yo? Bakit ka ganyan? Bakit hindi ka agad nagpagamot?”Nang pisilin niya ang kamay ni Jun, napapikit ito sa sakit.“Jureza, huwag... 'yong kamay ko...”“Ha? Ano?” lalo pang nagtaas ng boses ang babae. “Bakit? Masakit ba? Siyempre, masakit! Inoperahan ka! Diyos ko, Jun, bakit mo hinayaang mangyari ito sa'yo?”Napatingin ako sa kamay ni Jun.May nakakabit na suwero sa likod nito. Maging ang paggalaw ng kaniyang mga daliri ay kailangan pang maging maingat. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi iyon napapansin ni Jureza.O baka naman napapansin niya, ngunit mas mahalaga sa kaniya ang pagpapakita ng kaniyang pag-aalala kaysa sa mismong kalagayan ng taong sinasabi niyang mahal niya.“Jureza,” mahinahon kong tawag, “pakiusap, dahan-dahan lang sa paghawak sa kamay niya. May suwero siya.”Doon lamang siya lumingon sa akin.Mula ulo hanggang paa, sinuri niya ako na para bang may kung anong dumi sa da
Read more