"Ken, hindi sa ganoon—" mabilis kong pagtanggi, habang humahakbang ako nang paitaas patungo sa kaniya. "Maling-mali ang iniisip mo! Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa kaniya!""Hayaan mo muna akong magsalita, please, Jayzel," marahang pagputol ni Ken, at may pakiusap at matinding pagod sa kaniyang mga mata.Manahimik ako, habang ang dibdib ko ay patuloy na sumisikip sa matinding pagsisisi at pag-aalala."Alam ko ang standing ko sa buhay mo, Jayzel," pagpapatuloy ni Ken habang pilit na hinuhuli ang aking mga mata. "Subalit kanina... nung nakita kita sa sahig ng cafe na nakaluhod, hawak ang ulo niya, umiiyak at nagmakaawa na huwag siyang iwan ng buhay niya... nung narinig kita habang sumisigaw sa labas ng OR na 'hindi mo kakayanin kapag nawala si Jun'... doon naging napakalinaw ng lahat sa akin. Kahit sabihin mo sa akin, kina Ate Mylene, o paulit-ulit mong sabihin sa sarili mo na naka-move on ka na... ang totoo, may pagmamahal ka pa rin kay Jun. May napakalaking pwesto pa rin
Read more