Bago pa ako makasagot, nagsimula na siyang maglakad papunta sa mesa nila. Wala akong nagawa kundi sumunod, kahit pakiramdam ko ay biglang bumigat ang bawat hakbang ko.Nang mapansin kami ni Ken, bahagya siyang nagulat bago agad ngumiti. “Tito! Tita! Jayzel?”Tumayo siya mula sa kinauupuan at sinalubong kami. “Hey! I didn't expect to see you here.”“Hi, Ken,” sagot ko, pilit na pinananatili ang normal na tono ng boses ko. “Hindi rin namin alam na nandito ka.”“Small world, huh?” Napatingin siya sa aking mga magulang at magalang na bumati. “Good morning po, Tito, Tita!”“Good morning, Ken!” masayang sagot ng aking ina. “It's always so nice to see you! Nabanggit nga sa akin ni Jayzel kagabi na napanood ka niya.”“Oo nga po, Tita. Nabigla nga rin po ako nang makita ko siya sa bar kagabi!” Nakipagkamay naman siya sa aking ama. “Kamusta po, Tito?”“Mabuti naman, Ken. Maganda ba ang mga bagong jokes mo ngayon?” natatawang tanong ng aking ama, na matagal nang humahanga sa husay ni Ken sa stan
Magbasa pa