Nakatayo si Art sa tabi ng aming ina, si Celia, na kapwa mukhang abala sa pakikipagkamay sa ilang panauhin. Maayos ang suot ng aking ama, at tulad ng dati, may kumpiyansa siyang nakikipag-usap sa mga taong itinuturing niyang kapantay sa negosyo.Lumapit siya sa amin. “May problema ba?”“Wala naman, Papa,” sagot ni Dom. “Pinag-uusapan lang namin ang investment mula sa mga Sanchez.”Bahagyang kumunot ang noo ng aking ama. “May balita na ba?”“Malapit na po,” sagot ko agad habang may matamis na ngiti. “Sa tulong ni Harold, maayos na maayos ang magiging takbo ng proposal.”Tumingin si Papa kay Harold. “Magaling.”Bahagyang yumuko si Harold, naidikit ang mga daliri sa folder na hawak. “Ginagawa ko lang po ang makakaya ko, Sir.”“Hindi lamang iyan ang kailangan nating pag-usapan,” sabi ni Papa. “May ilang bagay din akong gustong ayusin sa kumpanya.”Napatingin ako sa kuya ko—alam ko na ang susunod niyang sasabihin.“Sa totoo lang, pinag-iisipan ko na ang pag-angat ng posisyon ni Harold,” wi
Baca selengkapnya