Ilang sandali pa ay pumasok na sa silid sina Daddy, Mommy, Liam, Luke, at ang mga magulang ni Zach.Lahat ay may ngiti sa mga labi dahil sa wakas ay makakauwi na rin siya matapos ang ilang linggong pakikipaglaban sa ospital.“Handa na ba ang lahat ng gamit ninyo?” tanong ni Mommy habang inilalapag ang isang bag.“Opo, Mommy,” sagot ko. “Naayos ko na po ang mga damit at gamit niya.”“May mga reseta at gamot na rin ba?” tanong naman ni Daddy.“Kumpleto na rin po.”“Siguraduhin ninyong susundin nang mahigpit ang mga payo ng doktor,” paalala ng ina ni Zach, nakatitig sa aming dalawa. “Hindi porke makakauwi na sa bahay ay puwede na niyang gawin ang lahat ng gusto niya.”Napatingin ako sa asawa ko nang may halong panunukso. “Narinig mo iyon, love?”“Opo, Mom,” nakatungong sagot ni Zach na parang batang pinapagalitan.“Hindi naman si Zach ang pinagsasabihan ko,” natatawang linaw ng kaniyang ina. “Ikaw ang pinagsasabihan ko, Kimmy. Huwag mong hayaang magpumilit ang asawa mo na siya ang gumawa
Read more