Nang makita ko ang huling lagok ni Raphael mula sa kanyang kristal na baso—ang basong nilagyan ko ng sachet ng matapang na pulbos kanina—naramdaman ko ang kakaibang pag-akyat ng matinding tuwa sa aking dibdib. Isang tagumpay! Akala ko ay magiging mahirap siyang pilitin, o baka magduda siya sa lasa ng alak. Ngunit dahil sa kagustuhan niyang matapos agad ang gabing ito at makabalik sa kanyang mga iniisip, ininom niya ito nang walang pag-aalinlangan.Inilapag niya ang baso sa mesa at muling sumandal sa kanyang silya, ang mga mata ay nananatiling malamig ngunit makikita ang pagod. "Ayan, uminom na ako. Masaya ka na ba, Carmilla? Pwede na ba nating tapusin ito at umuwi?" malamig niyang tanong, tila nagmamadaling makatakas sa hapag na ito.Ngumiti ako nang matamis, pilit itinatago ang kakaibang kaba at excitement na nagwawala sa sistema ko. "Syempre naman, Raph. Pero sandali lang, huwag ka namang masyadong magmadali..."Subalit bago pa man ako makapagsalita pa ng iba, may kakaibang nangyari
Magbasa pa