Aba, talagang sinubukan niya! Pagkaraan noong eksena kung saan halos matunaw ako sa simpleng "salamat" niya, akala ko ay magiging seryoso na ang paligid. Pero nagkamali ako. Isang buong araw bilang opisyal na personal assistant niya, at pakiramdam ko ay ginawa niya akong alipin ng siglo!"Freya, i-print mo itong tatlumpung pahinang contract proposal. Tapos, paki-check na rin ang mga financial reports mula Q1 hanggang Q3. At pakidalhan na rin ako ng kape—yung tamang-tama ang timpla, ha, hindi masyadong matamis pero hindi rin mapait, parang pagsinta mo sa akin," utos ni Raphael habang nakaupo sa executive chair, naglalagay pa ng nakakalokong ngiti habang nakatingin sa akin mula sa kabilang mesa.Napatigil ako sa pag-aayos ng mga bolpen, dahan-dahan siyang tiningnan, at binigyan siya ng pinakamatalim kong irap."Sir Raphael, kape lang ang inuutos ko sa sarili ko, hindi pampasakit ng ulo!" bulyaw ko habang nakapamewang. "Aba'y grabe ka naman! Nandito ba ako para maging personal assistant
Magbasa pa