Akala ko pagkatapos kong makaligtas sa kulungan—este, sa private study room ni Sir Raphael—ay makakapagpahinga na ako nang payapa hanggang gabi. Pero alas-singko ng hapon, habang nag-aayos ako ng mga bulaklak sa grand receiving room, biglang sumulpot si Manang Minda na may dalang seryosong mukha.“Freya, anak, ipinapatawag ka ni Ma’am Malyn sa kaniyang private lounge sa third floor,” sabi ni Manang habang inaayos ang buhok ko. “Huwag kang kabahan, mabait si Madam. Basta magalang ka lang, ha?”Nanlaki ang mga mata ko. Si Ma’am Malyn?! Ang may-ari ng mansyong ito at ina ng demonyong bilyonaryo? Patay, baka nalaman niyang tinapunan ko ng kape ang anak niya at sisante na ako nang tuluyan!Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad papunta sa third floor. Para akong hinahatusan sa bitay habang dahan-dahang kinakatok ang puting p***o ng lounge.“Pasok ka, hija,” ang malumanay at eleganteng boses ang sumagot mula sa loob.Pagbukas ko ng p***o, bumungad sa akin ang isang napakagandang gina
Read more