Pagbaba ko sa dining area ng mansyon kinabukasan ng umaga, inaasahan ko nang tahimik ang mesa dahil rest day ko at hindi ko kailangang magmadali. Naka-white top at faded jeans lang ako, nakalugay nang maayos ang buhok ko, at may hawak na maliit na sling bag sa balikat. Halatang hindi ako papasok sa opisina—maliban na lang kung may isang lalaking hindi marunong magbasa ng schedule."Good morning, Freya."Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa gilid ng mahabang lamesa. Nakaupo doon si Raphael, naka-casual shirt na medyo nakatupi ang manggas hanggang siko, habang umiinom ng kape. Hindi pa siya naka-tuxedo o suit, bagay na nagpapalambot sa karaniwang matalas niyang aura."Good morning din," sagot ko, pilit na pinapapakalma ang tibok ng puso ko. Aba, nandito pa siya? Hindi pa pumapasok?Ibinaba niya ang tasa ng kape at dahan-dahang pinagmasdan ang suot ko—mula sa simpleng white top, hanggang sa faded jeans, at pati na sa maliit kong bag. Unti-unting sumilay sa lab
Read more