Dahil alam ni Arabella na wala naman si Nathaniel sa bahay, sinamantala niya ang pagkakataon para matawagan si Joshua upang kamustahin si Callie. Dahil sa ngayon, si Joshua ang tulay niya para malaman ang kalagayan ng kanyang anak. Kahit abala rin ito sa trabaho ay nagagawa niya pa rin na pagbigyan ang babae sa kanyang mga munting hiling.Hindi nag tagal ay sinagot na ng lalaki ang kanyang tawag. “Hello Josh, asan ka ngayon?” bungad niyang tanong. “Nasa office ako ngayon eh may tinatapos lang, bakit may kailangan ka ba?”“Ah ganun ba, wala naman. Akala ko kasi nasa Forbes ka eh, gusto ko lang sana malaman kung kamusta na si Callie.”“Ay sige mamaya bago ko umuwi, dadaan muna ako roon para tingnan ko si Callie tapos tatawagan kita.”“Sige, maraming salamat ha. Pasensya na rin sa abala.”“Ano ka ba, never ka magiging abala noh.”Matapos ang tawag, napangiti nalang ang babae. Naisip niya na kahit papano may isa mula sa mga Monteverde ang may mabuting puso.Kinagabihan hindi nakalimuta
اقرأ المزيد