Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahagyang gumalaw ang kanyang ekspresyon. Nang makita kung sino ang tumatawag, agad niya itong sinagot.“Professor Lhanze napatawag po kayo?”Sa kabilang linya, diretso ang boses nito.“May bakanteng slot para sa doctoral studies sa UST,” diretso nitong sabi. “Gusto mo bang ituloy?” Napahinto si Arabella, at natahimik siya. Ngunit sa loob niya, parang may kung anong matagal nang natutulog ang biglang nagising. Parang may humintong tibok sa loob ng dibdib ni Arabella.Doctoral studies. Pangarap niya iyon noon bago siya naging asawa ni Nathaniel. “Kung hindi ka pa handa, pwede naman—”“Pupunta po ako,” mabilis ang sagot niya. Halos hindi niya pinag-isipan. Sa kabilang linya, bahagyang natahimi
Huling Na-update : 2026-05-20 Magbasa pa