Naging abala si Arabella sa nagdaang dalawang araw, inaprubahan niya ang mga report na tungkol sa naganap na summit. Nag submit na rin siya ng sarili niyang article para sa financial magazine. Ay ngayong Sabado naman ng gabi, siya naman ang magho-host ng isang live financial news program. Bihasa na siya sa ganitong klase ng trabaho, hindi na ito mahirap para sa kanya. Pagkatapos niyang makausap si Mama Catherine niya ay agad siyang nag tungo sa studio.Samantalang sa Forbes, tinulungan ni Raiza si Callie na maligo at magbihis. Suot nito ang paborito niyang strawberry bear na pajama. Nang matapos siyang bihisan ay agad itong tumakbo papunta sa kanyang ama, masaya itong tumatakbo habang yakap ang kanyang stuffed rabbit. "Papa!""Naku, dahan-dahan, little princess!" nagmamadaling sumunod si Raiza.Tahimik na nanonood ng balita si Nathaniel, pagdating ni Callie ay agad itong tumalon sa kandungan ng ama. Ngumiti ito sa kanya at marahang binuhat ang anak, inabot niya kay Callie ang tasa
اقرأ المزيد