NANG bumalik si Kenna sa kanilang opsina ay wala na sina Bianca at Avery doon, bukod doon ay napansin na niya kaagad na mukhang dumating na si Nathan at kaya wala ang mga ito ay dahil nasa meeting room na ang mga ito. Pumasok pa kasi siya sa banyo para ayusin ang kanyang mukha. Nagmamadali siyang pumunta sa meeting room at doon nga, nakita niya silang lahat at nakatingin sa kaniya. Bigla siyang napayuko at nag-iwas ng tingin, ni hindi niya magawang magtaas ng kanyang ulo. Lumapit siya kay Nathan na noong mga oras na iyon ay ni hindi man lang siya nito sinulyapan dahilan para mapakagat labi siya. Napasulyap siya kay Ethan na noong mga oras na iyon ay naroon din, kitang-kita niya ang simpatya sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pagkatapos ay nakinig na lang sa nagsasalita sa harapan. Ilang sandali pa ay napuno ng tensyon ang loob ng silid nang biglang magsalita si Nathan. “Do you think that was enough?” ang mga mata nito ay napaka
Read more