DAHIL sa pagpupumilit ng ama ni Nathan ay dinala nila sa ospital si Cassandra para masuri. Binabantayan ito ni Kenna sa loob samantalang silang dalawa ng kanyang ama ay nasa labas, matiyagang naghihintay ng resulta ng mga laboratory ni CAssandra.Hindi ito mapakali. “Bakit ba napakatagal ng resulta? Ganito ba talaga kabagal ang mga doktor sa ospital na ito?” nawawalan na ng pasensyang tanong nito sa kaniya.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Nathan. Napatitig siya rito. “Dad, sabihin niyo nga sa akin, anong ginagawa niyo doon?” tanong niya rito. Kanina niya pa sana itong gustong tanungin ngunit aligaga ito na para bang hindi nito kayang sagutin ang mga magiging tanong niya.“What do you mean? Anong ginagawa ko doon? Napadaan lang ako.” sagot nito sa kaniya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya.Dahil sa naging sagot nito ay mas lalo lang tuloy napakunot ang noo niya. “Napadaan? Napaka imposible naman yata ng sinasabi niyo.” sabi niya habang magkasalubong pa rin ang
Read more