Nang sumunod na araw, tahimik na ang buong floor.Halos lahat ng empleyado ay nakaalis na, tanging ilaw na lang ng cubicles at office corridor ang natitira. Ang usual na ingay ng trabaho ay napalitan ng malamlam na katahimikan at mahinang ugong ng aircon.Si Leila, mas lalo nang hindi mapakali.Paulit-ulit niyang chine-check ang phone niya habang inaayos ang huling files sa computer. Minsan ay napapahinto siya, humihinga nang malalim, saka muling magta-type na parang pilit pinipigil ang kaba sa dibdib.“Leila, we still need you to finalize this report before you leave,” sabi ng teammate niya, halatang nagmamadali rin.“Opo, sandali lang po,” sagot niya, pero ramdam na ramdam na hindi na siya steady.Sa glass office, nakamasid si Dylan.Kanina pa niya napapansin si Leila—ang pagiging restless nito, ang madalas na pagtingin sa phone, at ang pag-ikot-ikot sa pwesto na parang may hinihintay na hindi pwedeng ma-late.At unti-unti, may bagay sa dibdib niya na hindi niya agad gustong kilalan
Mehr lesen